Luzones

Ang mga Luzones ay mga tao mula sa isla ng Luzon sa Pilipinas .

Luzones ( Portuges: Luções ; pwede ding Luzones sa Espanyol ) ay isang demonym na ginamit ng mga Portuguese na mandaragat sa Malaysia noong unang bahagi ng ika 1500s, na tumutukoy sa mga Kapampangan at Tagalog na naninirahan sa Manila Bay, na noon ay tinatawag na Lusong ( Kapampangan : Lusung, Portuges: Luçon ).[1] Ginamit din ang termino para sa mga Tagalog na naninirahan sa rehiyon ng Timog Katagalugan, sa islas ng Luzon.

Sa kalaunan, ang terminong "Luzones" ay tumutukoy sa mga naninirahan sa isla ng Luzon, at sa kalaunan, ay magiging eksklusibo sa mga tao sa gitnang lugar ng Luzon (ngayon ay Central Luzon ) na nasa Hilagang bahagi ng Pilipinas.

Wala sa mga Portuges na manunulat na unang gumamit ng termino noong unang bahagi ng 1500s ang pumunta mismo sa Lusong, kaya ang termino ay partikular na ginamit upang ilarawan ang mga marino na nanirahan o nakipagkalakalan sa Malay Archipelago noong panahong iyon. Ang huling kilalang paggamit ng terminong Portuges sa mga natitirang tala ay noong unang bahagi ng 1520s, nang ang mga miyembro ng ekspedisyon ni Ferdinand Magellan, lalo na sina Antonio Pigafetta, at Rodrigo de Aganduru Moriz ay gumamit ng termino upang ilarawan ang mga marino mula sa Lusong na kanilang nakatagpo sa kanilang mga paglalakbay. Kabilang dito ang isang "batang prinsipe" na nagngangalang Ache[2] na kalaunan ay nakilala bilang Rajah Matanda. Si Rajah Matanda ang hari ng Maynila bago pah dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas sa pamamagitan ng dagat.


May mga panukala na palitan ang pangalan ng kasalukuyang rehiyon ng Gitnang Luzon sa Luzones [Notes 1] o isang pagdadaglat ng kasalukuyang mga lalawigan ng rehiyon.

  1. Scott, William Henry (1994). Barangay: Sixteenth Century Philippine Culture and Society. Quezon City: Ateneo de Manila University Press. ISBN 971-550-135-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. de Aganduru Moriz, Rodrigo (1882). Historia general de las Islas Occidentales a la Asia adyacentes, llamadas Philipinas. {{cite book}}: |work= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)


Maling banggit (May <ref> tag na ang grupong "Notes", pero walang nakitang <references group="Notes"/> tag para rito); $2


© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search